Friday, September 16, 2011

MEDTECH INTERN LANG PO AKO. IKAW RMT KA BA NIYAN?



Oo alam ko. hindi pa ako intern. pero teka bago kayo mag react diyan pakinggan muna to…

Nung wednesday nilagnat ako habang nasa school kaya di ako pumasok hanggang ngayon (friday), may follow up check up ako today tsaka repeat CBC at PLT. so ayan since sa malayong lupain ako ng guagua nakatira at sobrang malayo yun sa AUFMC sa florida nalang ako nag pa blood test.
no choice ako at pumunta nalang sa isang maliit na lab sa bayan. pinili ko yung lab na yun kasi walang tao. feeling ko mabilis. nagmamadali kasi ako. edi pag pasok ko sinabi ko agad: “goodafternoon maam” (nakasanayan ko ng tawagin ng maam o sir yung mga tao kahit janitor man siya o sekyu,edi lalo na kung medtech. saludo ako jan ) pero ni hindi man lang ako kinibo.
tinanong lang niya, anong pangalan mo?
sabi ko naman serrano nowiena joyce po maam.
ano?isulat mo nalang.
sinulat ko naman.
tapos tanong ulit niya; anong kailangan mo?
CBC at PLT count po maam.
so ayun. kukunan na niya ako ng dugo. hiningi niya braso ko. tinaas ko naman. pero nagulat ako at balak niya akong kuhaan sa part na may pasa ako (galing yun sa blood test ko nung wednesday; magaling yung MT nun.  nag papasa lang talaga ako agad) so agad sinabi ko:
maam, may pasa pa po ako. sa kabila nalang.
taas mo yung isa sabi naman niya (parang nainis pa na pinigilan ko siya sa attempt niya)
feeling ko di niya makapa yung vein ko. well yung may pasa na part dun lang ako nakukuhaan talaga.
bigla sinabi niya akin na sa daliri nalang. 
binigay ko naman agad kamay ko.
nag disinfect siya with cotton na may alcohol.
at nag PRICK! solid na PRICK. prick kung prick. O.O

hindi naman ako madaling masaktan pero yung kanina ibang klase, parang may laman yung pagtusok niya. nairita kaya siya sa pangengealam ko?
hindi pa yun dun natapos. yung nilagay niya na cotton para ma stop yung pag bleed e yung cotton din na ginamit niyang pang disinfect! hay nako. bukod sa madumi na yun. ang hapdi pa kasi may alcohol.
oh well, move on na. ang mahalaga may dugo na. 
after ilang mins bumalik ako. pagkita ko ng resulta walang WBC DIFFERENTIAL COUNT. sa mga di nakakaalam yung CBC o complete blood count ay parang value meal; hindi basta fries lang, may kasamang drinks at burger. meaning hindi lang isang test yung CBC. madami. isa dun sa mga kasali na test is yung WHITE BLOOD CELL DIFFERENTIAL COUNT.
nagtanong ako agad, (in a nice and magalang way parin.)
maam, bakit po walang diff count?
sabi ba naman; akala ko bang cbc?yan cbc yan.
sabi ko; di ba po maam kasama yung diff count dun?
(nagpapasenxa parin ako. pero eto yung di ko kinaya)
sabi niya; yan yung CBC. alam mo ba kung ano yung diff count na yun. iba yun. (alam mo yung tono na parang sinasabi niya to my face na hoy medtech ako. alam ko ginagawa ko)
hindi ako nakatiis. pakiramdam ko kasi pinapalabas niya na tanga ako. sinabi ko tuloy bigla : MEDTECH INTERN PO AKO MAAM, ALAM KO PO YUNG DIFF COUNT.
SABAY ALIS SA LAB. >:/
pansin ko namutla siya ng konti at lumaki ang mata nung sinabi ko na MEDTECH INTERN AKO. LOL XD
guilty ako oo. di pa ako medtech intern pero nasabi ko lang yun bgla kasi naoffend ako sakanya. tsaka ilang buwan nalang. cguro naman forgiveable ako sa pag claim na intern na ako. 
mabalik sa usapan, ginagalang ko lahat ng mga nasa propesyon. pero hindi porke nag graduate ka ng kung ano mang degree yan o nagkaron ka man ng award hindi ibig sabihin nun na dapat tratuhin mo yung ibang tao na MAS MATAAS ka kesa sakanila. kahit pulubi pa yan o ano man dapat mo parin galangin.
kung sakali naman na may personal na problema ka hindi dapat na idamay mo pa yung ibang tao. walang masama na magkamali ka at paalalahanan ka ng ibang tao. tanggapin mo. mag move on ka. hindi yung imamali mo ibang tao para lang magmukhang tama ka.
In the end sino bang niloloko mo nun. diba SARILI MO DIN?

No comments:

Post a Comment